KABBALAH para sa ESTUDYANTE

Availability:

$50.00

Add to the wishlist

Saan ako nagmula at saan ako patutungo?
Nandito na ba ako noon?
Bakit ako naparito?
Maaari ko bang maunawaan ang kabuuan ng realidad
at ang kahulugan ng buhay?
Paano ko hindi lamang maiiwasan ang pagdurusa,
kundi maging tunay na masaya at nasiyahan?

Ang pinakadakilang mga Kabalista ng ating panahon, si Rav Yehuda Ashlag, may-akda ng Sulam (Hagdan) na komentaryo sa Aklat ng Zohar, at ang kanyang Anak at kahalili, si Rav Baruch Ashlag, ay nagbibigay ng wastong at komprehensibong mga sagot sa mga mahihirap na katanungang ito. Batay sa kanilang mga interpretasyon ng mga isinulat ni Rabbi Shimon Bar-Yochai, may-akda ng Aklat ng Zohar, at ng Banal na Ari (Rav Isaac Luria), may-akda ng Puno ng Buhay, natututuhan natin kung paano makinabang mula sa pagpapatupad ng Karunungan ng Kabbalah sa araw-araw na pamumuhay.

Bilang karagdagan sa mga tunay na teksto ng mga ito at ng iba pang dakilang mga Kabalista, ang Kabbalah para sa Estudyante ay nag-aalok ng mga ilustrasyong tumpak na naglalarawan sa ebolusyon ng mga Itaas na Mundo gaya ng naranasan ng mga Kabalista. Naglalaman din ang aklat ng ilang mapaliwanag na mga sanaysay na tumutulong sa atin na maunawaan ang mga tekstong nasas loob.

Si Rav Michael Laitman, PhD, personal na taga ayuda at pangunahing estudyante ni Rav Baruch Ashlag, ang nagtipon ng lahat ng mga tekstong kakailanganin ng isang estudyante ng Kabbalah upang maabot ang mga espirituwal na mundo. Sa kanyang mga araw-araw na mga aralin, ibinabatay ni Rav Laitman ang kanyang pagtuturo sa mga nakapagpapasiglang tekstong ito, kaya’t tinutulungan ang mga baguhan at beterano nang pantay upang higit na maunawaan ang landas espirituwal na ating tinatahak sa ating kamangha-manghang paglalakbay tungo sa Mas Mataas na mga Kapangyarihan.

Kung tunay mong hinahanap ang kahulugan ng buhay, ang iyong puso ay gagabay sa iyo sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga dakilang Kabalistang ito, na sumulat mula sa kanilang mga puso patungo sa iyo. Sa pamamagitan ng kanilang mga salita, matutuklasan mo ang diwa at kapangyarihan ng buhay, at ang sarili mong walang-hanggang pag-iral.

Edition: Paperback
Number of Pages: 830
ISBN #: 978-1-77228-199-6

Coming soon